Posts

Showing posts with the label diaries

dear diary

Image
Sunday August 8, 1999 Napakasaya ko ngayong araw na ito. Unang-una dahil nakapasimba ako at naintindihan ko ang ebanghelyo. Pangalawa, lumabas kami ng mga mommy para kumain at nagpagupit siya sa David’s Salon. Pangatlo, ibibili na raw ako ng mommy ng bag. Hello Kitty pa nga eh at sa Big Ben daw kami bibili. At ang pinakanakapagpasaya sa akin ay nakita ko si Xxxxxx  ng maraming beses. Pauli-uli siyang nagba-bike at tumigil pa nga siya sa tapat namin dahil sumakay ang kapatid o pinsan niya ata ‘yon. Napapansin ko na kapag nakatingin ako sa kanya eh napapatingin rin siya sa akin ng hindi sinasadya. Kapag naman napapatingin ako sa kanya eh nakatingin siya sa akin at tumatagal. Bakit kaya? Hindi naman ako nage-expect na crush niya ako. Pero kung ganon man eh sana may sign na crush niya nga ako. Halimbawa, may itatanong siya sa akin or babatiin kaso nga lang eh magagawa ba naman niya iyon? Nakalaro ko na naman siya sa playstation, nakatabi at nakausap kaya siguro hindi na siya mahihiya p...