TUKAY.
Ako si Tukay. Kung hindi Reena, Buninay o Ninay ang tawag sa’kin, Tukay ang isa ko pang palayaw. Mangilan-ngilan lang ang tumatawag sa’kin ng ganyan, at lahat ay mga maedad na lalaki, mga kumpare ng daddy ko. TUKAY. Ba’t nga ba Tukay? Eh kasi daw anak ni Tukoy, palayaw ng daddy ko, si Benedicto Carandang. Benedicto to Toxie to Tukoy. Pati palayaw nag-e-evolve! :D Anyway, napaka-obvious na naman siguro kung bat ako tinawag na Tukay. Bukod sa siya ang tatay ko, siya din ang daw ang kamukha ko, complexion pa lang, katalo na! Kung mapapagkumpara ang features ng mukha namin, masasabi mo talagang “No doubt! Anak nga siya ni Toxie!” Kapag nga nasa isang lugar ako, bigla-bigla na lang may tititig sa aking ale o mama na hindi ko naman kakilala, sabay magtatanong, “Anak ka ga ni Tukoy?” Nung una, opo lang ang isinasagot ko, tanda ng paggalang. Pero ngayong malaki na’ko, opo pa rin naman pero sa loob-loob ko, gusto kong sabihing, “Obvious po ba?” :)) Ilan lang ang nare-recall kong memories namin...