TUKAY.


Ako si Tukay. Kung hindi Reena, Buninay o Ninay ang tawag sa’kin, Tukay ang isa ko pang palayaw. Mangilan-ngilan lang ang tumatawag sa’kin ng ganyan, at lahat ay mga maedad na lalaki, mga kumpare ng daddy ko.
TUKAY. Ba’t nga ba Tukay? Eh kasi daw anak ni Tukoy, palayaw ng daddy ko, si Benedicto Carandang. Benedicto to Toxie to Tukoy. Pati palayaw nag-e-evolve! :D Anyway, napaka-obvious na naman siguro kung bat ako tinawag na Tukay. Bukod sa siya ang tatay ko, siya din ang daw ang kamukha ko, complexion pa lang, katalo na! Kung mapapagkumpara ang features ng mukha namin, masasabi mo talagang “No doubt! Anak nga siya ni Toxie!” Kapag nga nasa isang lugar ako, bigla-bigla na lang may tititig sa aking ale o mama na hindi ko naman kakilala, sabay magtatanong, “Anak ka ga ni Tukoy?” Nung una, opo lang ang isinasagot ko, tanda ng paggalang. Pero ngayong malaki na’ko, opo pa rin naman pero sa loob-loob ko, gusto kong sabihing, “Obvious po ba?” :))
Ilan lang ang nare-recall kong memories namin ng daddy ko nung bata ako gaya nung pagbuhat nya sa’kin, pagkalong ko sa kanya. At pinaka-namimiss ko ay ang paglambitin ko sa mga binti nya tuwing naka-de kwatro siya, ginagawa kong imaginary salbabida ang mga binti nya pag kunyari nagsswimming ako. Tanda ko din pag pinapa-stretch ko ung mga binti at paa nya tapos dun ako magsa-slide paulit-ulit. Base sa mga baby pictures ko, mukhang close namin kami dahil napakalambing ng mga poses ko kasama siya, at namimiss ko din ang mga yun.
Isa pa sa mga di ko makakalimutan ay nung nagpatulong ako sa kanya ng assignment, siguro nasa pre-school pa lang ako nun o grade 1. Sabi sa assignment notebook, magdrawing daw ng favorite na laruan, dahil ang hilig ko nun ay family computer, hindi naman ata kaiga-igaya sa paningin ng teacher na yun ang ido-drawing ko kaya ang pinadrawing ko ay teddy bear. Tutal madami naman akong ganun sa cabinet (na hindi ko maalalang malimit kong laruin). Hindi pa’ko nun marunong magdrawing kaya nagpatulong ako sa kanya. Ang ginawa nya, kinuha nya yung isa kong teddy bear o alkansya pa nga ata yun na bear tapos ginaya nya. Proud na proud ako sa drawing nya, feeling ko kamukha talaga nung tularan. Pero nung lumaki na’ko, naisip ko, mas magaling pa pala ako magdrawing sa kanya. Haha! Pero syempre, ang importante naman dun eh nag-effort ang daddy kahit alam ko na ngayong di nya forte ang arts. :D
Pagdating ng elementary days, typical lang ang relasyon namin. Hindi kami close, tanda ko pa nga na nahihiya ako sa kanya eh, ewan ko nga ba.
Highschool naman, ang naalala ko ay yung paghatid nya sa amin sa school. Tuwing umaga, bago kami umalis, pupunasan na nya ang basa naming kotse dahil sa hamog. At mula pag-andar ng sasakyan, io-on na nya ang radyo at isswitch ito sa AM. Nung una syempre ay nakakainis, kasi ang gusto ko ay patugtugin namin yung baon kong cassette tape ni Britney Spears o ng Backstreet Boys. Kaso ayaw nya nun dahil kung hindi AM radio, papatugtugin nya yung cassette tape nya ng Kenny G. Hanggang sa nagtagal ay nagustuhan ko na din ang mga balita sa radyo at ang huni ng saxophone. Dumating pa nga sa puntong ako na ang nagbubukas ng radyo eh. Siguro sa mga panahong ito ko nasimulang sakyan ang mga hilig ng tatay ko. Naaalala ko pa pag nanonood kami ng TV, kami ang magkakampi sa paglipat sa National Geographic o Discovery Channel. Kakontra namin palagi ang mommy, at kami ang nananalo. Hehe! Siya yung nakaimpluwensya sa akin na maging interesado sa balita, jazz music, movies at kung ano-ano pa.
Mahilig din ang tatay kong magkumpuni ng mga sirang gamit sa bahay, magset-up ng bagong appliance at mag-ayos ng antenna o cable ng tv. Syempre hindi namamana ang skill na yan, natututunan! At yan yung isa sa mga ikinatutuwa kong natutunan ko sa kanya. Kaya naman hanggang ngayon, kahit naka-high heels ako, kuntodo kumpuni ako ng mga ayusin sa bahay o opisina. :)
Hikain ako. Isang bagay na namana ko din sa angkan ng daddy ko. Nung bata daw siya, kumain daw siya ng bubuwit, gamot daw kasi yun sa hika. Pati ata butiki eh kinain din nya para gumaling. At sa awa ng Diyos ay hindi na naman siya sinusumpong neto. Kaso ako, si maarteng ako, ay hindi mo mapapakain ng daga o butiki. Sawa (ahas) ang alternative kaya yun na lang ang pinilit kong tirahin, ginataan. Akala ko epek na nun kasi dumalang nga naman ang mga atake ko. Kaso mga 3 taon lang ang nakalipas, 22 na ako nun, ay inatake pa rin ako. Mahirap magkahika, hindi eto OA ha pero pakiramdam mo talaga eh mamamatay ka na kasi hindi ka makahinga at pagod na pagod ka kahit nakaupo o nakahiga ka lang. At isa sa mga pinaka-nakakaintindi ng ganung kalagayan ay ang daddy ko. Kaya sa tuwing inaatake ako, hindi ko maipaliwanag ang pag-aalala at pag-asikaso nya. Kita ko sa kanya na hindi siya mapakali, kahit dis-oras na ng gabi, pupunta siya sa bahay nina tito para manghiram ng nebulizer o kaya naman ay siya ang babangon para kuhanin ang inhaler o rotacaps ko. Kahit nakapagnebulize na’ko at medyo stable na, maririnig mo pa rin yung mga saltik nya, saltik ng pag-aalala.
Recently, nadiscover kong maysakit din pala ako sa puso, MVP (Mitral Valve Prolapse). Nakakatakot pero parang hindi naman siya ganun kalala (feeling ko lang hindi naman talaga siya malala). Alam kong isa din eto sa palaging ipinag-aalala sa’kin ng daddy kaya yung isang plano ko sa buhay ko eh hindi nya maaprubahan noong una. Pero dahil inde-independent-an ang diga ko, sabi ko kaya ko naman (at kailangan kong kayanin).
Bukod sa literal na sakit sa puso, naging apektado din siya nung masaktan naman ang puso ko. Bilang isang ama, hindi ko maiaalis sa kanya ang makaramdam ng galit at concern, naramdaman ko ang pagprotekta nya at mas malalim na pagmamahal nung nangyari iyon. Kung hanggang ngayon man ay ganun pa rin siya, alam kong gusto nya akong maging masaya.
Mahal ko ang daddy ko gaya ng pagmamahal ko sa mommy. Pero kung dati eh maka-mommy ako, mas maka-daddy na ata ako ngayon. Baket?
Obvious ba?
happy father’s day, dadeh! Love you!

Comments

Popular posts from this blog

"Pag-Ibig"

Easy Lunch

happy tears.