rocky ANILAO trip.

HOLY WEEK 2011. Maundy Thursday.

Never pa 'ko nakagala (as in outside Lipa) nang Mahal na Araw na hindi kasama ang family until this very day. First time ko ding spur-of-the-moment trip eto with my office buddies. Imagine, I barely had only 4 hours of sleep before we hit the road, I didn't even get the chance to charge my digicam tapos nung umaga lang din na yun ako nagprepare ng gamit. FIRST OF ALL FIRSTS. At madami pa'kong first times sa trip na'to. Mababaw lang pero aliw! :)

  • Sa lahat ng gala ko, first time ata etong biglaan na pinayagan ako ng nanay at tatay ko. Isang text message lang, OK daw agad. Anilao is just within Batangas, pero malayo na eto para sa kanila lalo pa't di ko sila kasama. (malaki na'ko talaga, yay!:D)
  • The day before (hapon na halos, actually), pinaalalahanan kaming magbaon ng sandals para isuot sa paglalangoy. Mabato daw kasi dun, alam kong mabato sa dagat ng Anilao pero akala ko kagaya lang ng mga napuntahan kong beaches before na kaya naman ng tsinelas lang. Kaso sabi eh halos lahat daw ng napunta dun, kung hindi nakasandals eh duguang uuwi. Takot ako, kaya't sugod sa SM! Wala akong makitang matinong sandals, flipflops lang na may strap sa likod kaso parang di pa rin safe. Buti na lang nakita ko yung Duralite na parang dollshoes, sabi ko ok na'to, mura pa (P129.75 lang), liligo lang naman. Wanna see?
Here:
Buti na lang talaga at yan ang nabili ko para isuot. Bukod sa madulas ang mga bato dun, ang dami-dami ding nakakalat na sangang nakakatusok. Kung di nga yan ang suot ko, malamang hindi ako nakapagprusisyon kahapon (Good Friday) eh. Pano eh nakatapak ako ng isa, baon! Kung naka-tsinelas ako, kawawang Buninay.

Eto ang salarin, I call them LETHAL TWIGS:


  • At dahil biglaan nga ang lakad na eto, wala kaming baong pagkain, KAHIT ANO. Buti na lang at napakabait nung tinuluyan namin. They fed us with uber yummy fish fillet at salad na uber sarap, German-made (dahil German national ang nagtoss :P). Well, those are for lunch. Yung food para sa beach eh binili na lang. Thanks to Sir Vener and Jepoy, we had our "kakaibang beach snacks".

Kakaiba na para sa'kin yan. First time ko kumain ng ice cream sa beach. Haha! May ice cream pero walang apa. Instead we had APAS, the second-perfect ice cream pair!


  • I've been to a few beaches before, i.e. Lemery, Batangas; San Juan, Batangas; Puerto Galera, MDO; Anawangin, Zambales, etc. Also been to a Mabini, Batangas beach (near Punto Miguel) pero I've never seen as much rocks as this beach has before! Lahat ng tapakan mo, bato!

Kulang na lang eh mag-uwi ako ng marami para maibenta, pang-hilod ba! Hahaha! But seriously, there are millions of these rocks in there. Imagine, we had a long back-and-forth walk along this coastline full of rocks. Sinong hindi mababatong maglakad nang nakatungo sa pangambang baka matalisod ka pag malaking bato ang nakasalubong mo? :))

  • Sa lahat din ng beaches na napuntahan ko, eto na siguro ang pinakamaalat. Sabi nila, sea water is salty. But this one's literally SALT-y. Pag-ahon ko, habang nagpapalilom sa ilalim ng puno, ramdam kong makati at mahapdi sa balat. Paglingon ko sa balikat at likod ko, ayown! Maasin ang lola mo. Sana mapansin nyo sa picture na to :D
  • And lastly, the essence of the Lenten season was felt through this 250-step stairway. Hindi ko na binilang kung eksakto, pagod na nga ako sa pag-akyat-baba tas bibilangin ko pa?? Sumakit binti ko dyan. Katakot pa yung pagbaba kasi matarik pero super hingal talaga ako pag-akyat, parang walang katapusan. *whew!*

Ang daming steps, ang daming bato! See what I mean now? Thank God, I was still able to join the procession the day after. Pero my muscles are screaming until now. Lalo kong nararamdaman ang pagod, penitensiya indeed!


Though just a day trip, super enjoy ko ang gala na eto (my 4th this summer already, btw). I had my few petty firsts :D and a little serene (soul-searching) time ('ika nga ni Sir Vener). Sa ganda ng view, sinong di makakalma ang kaluluwa :D

Pasensiya na sa poor quality ng images, I just used my ever-reliable camera phone. Gaya nga ng sabi ko, di gaanong charged yung digicam. Pero we were able to take a few shots din naman, pangFHM poses. nyahaha! (will upload them later on my FB account)

Thanks much to Ms. Anna (my super baet supervisor) and her hubby Lec for inviting us over, also to her tito and tita for the nice home and food. :)

Ikaw? How was your Holy Week spent? :)

Comments

  1. wow.. I would like to go there to.. Bihira lang ako makaunta sa malayo eh. Nice pics. Di ko naman nakita yung asin sa likod mo.. hehe..

    ReplyDelete
  2. Ay, punta ka nga po. Anilao, best diving spot, daming coral reefs :) This week, I'll try to post the other batch of photos for you to see :)

    ReplyDelete
  3. super like!!=)) will wait for other pics, un nilakad natin na pagkahaba-haba. kala natin ang lapit lang.hahaha..

    ReplyDelete
  4. nakay ms.Anna pa eh, request ko pala na iupload. :) ay, ung mahabang lakad na un ang nagpabikil ng binti kuuu! :-S

    :))

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

"Pag-Ibig"

Easy Lunch

happy tears.