FB Status

This is me pursuing happiness. :) Hope I'm making the right decision, been praying for this for long. Hahay! :)

Kay tagal kitang hinintay. Mula nang malaman ko ang tungkol sa'yo, di na'ko mapakali, ramdam na ramdam ko sa puso ko na gustong gusto kita. Pero naging mailap ka. Oo, pinaramdam mong posible kaya naman umasa talaga ako. Dumating sa puntong halos araw-araw akong nangangamusta kung ano na bang lagay ko. Grabe, daig pa ang manliligaw sa pangungulit ko kung ok na ba. Kahit nga may ilan nang dumaan habang naghihintay ako sa'yo, ikaw pa rin ang nasa puso ko. Hanggang sa unti-unti akong nawalan ng pag-asa kaya nung may dumating na iba, naisip kong baka hindi ka talaga para sa akin. Kaya naman pinili ko yung iba na yun, gusto ko na din namang makapante. Wala akong 'walang hanggan' para maghintay sa'yo.

Hanggang sa kumatok ka muli at inialok ang matagal ko nang hinihintay, pero dahil may napili na akong iba, kelangan kitang tanggihan. Pero bat ganun ang pakiramdam, ang sakit sa dibdib. Hindi ako mapalagay, naiiyak ako at nalilito. Gusto kong tumakbo papunta sa'yo at iwan ang nagbigay pag-asa sa akin. Tinimbang ko ang mga bagay-bagay. Alin ba ang dapat piliin? Ang kumatok sa'yo o ang kinakatok mo? Ilang payo ang hiningi at napagdesisyunan kong sundin ang puso ko. Kaya naman kahit mahirap, nagpaalam ako sa pag-asang kumatok sa akin, sa paraang alam kong maiintindihan nya. At nang maging maayos ang lahat, tumakbo ako papunta sa'yo, bitbit ang saya sa puso ko. Walang kasing saya sa pakiramdam na kahit gaano pa ang hirap, ang kaligayan ng puso mo pa rin ang pipiliin mo.

Alam ko na ang iniisip nyo, at gusto ko lang talaga ma-Wow Mali ko kayo. Hehe! This is me talking about quitting my job on my first day to pursue another that I've been praying for long. Ok? =P

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

"Pag-Ibig"

Easy Lunch

happy tears.