"Pag-Ibig"
Alas-nuwebe ng gabi, habang nakahiga sa gitna ng damuhan , aking nababanaag ang liwanag ng bilog na buwan at mga bituing para bang mga kulisap sa kalawakan. Walang ibang liwanag kundi sila lamang. Kung ihahalintulad sa mga babasahing pang- panitikan , ang gabing ito'y wari bang eksena sa pelikulang katatakutan. Isang kwento na pinagbibidahan ng mga maligno , duwende at aswang. "Inaaaaaayy!!!" sigaw ni Berto. "Sssssshh...!" saway ni Beybi. "Ano ba, Berto? Nananaginip ka na naman, kung anu-ano kasi ang pinagbababasa mo eh. Sabi na nga ba, hindi na kita isinama dito sa silid-aklatan . Nag-ingay ka na naman." "Bakit ba? Ang ganda ng kwento, eh!" sumbat ni Berto. "Maganda?? Eh, ba't mo tinutulugan?" bawi ni Beybi. "Saka masyado ka nagpapadala sa mga kwento na yan, daig mo pa ang nanonood ng pelikula pati yung nasasapian ng masamang espiritu." "Nakakatakot kasi ang kwento, kaso may parte na medyo nakakawa...