Posts

Showing posts from June, 2011

when KIDS do the grocery.

Image
Dad, Nene & I went to South Supermarket for a little grocery. Dad just sat on the waiting area, managing to fight his  antok.  So, it's Nene and I to do the picking out and paying. I had the list, Nene had the cart. Sabi nya, " O, anong una? " Hahaha! As if she was the  ate  and I was the little sissy. The whole time we were doing the searching and picking, it was her who leads the way. All I did was enumerate, check and pay. She even reminded me how mom wants the grocery items to be packed. :D Oh, kids! They learn too quick, too early. I love  Nene  and I'm one proud ate. :)

dear diary

Image
Sunday August 8, 1999 Napakasaya ko ngayong araw na ito. Unang-una dahil nakapasimba ako at naintindihan ko ang ebanghelyo. Pangalawa, lumabas kami ng mga mommy para kumain at nagpagupit siya sa David’s Salon. Pangatlo, ibibili na raw ako ng mommy ng bag. Hello Kitty pa nga eh at sa Big Ben daw kami bibili. At ang pinakanakapagpasaya sa akin ay nakita ko si Xxxxxx  ng maraming beses. Pauli-uli siyang nagba-bike at tumigil pa nga siya sa tapat namin dahil sumakay ang kapatid o pinsan niya ata ‘yon. Napapansin ko na kapag nakatingin ako sa kanya eh napapatingin rin siya sa akin ng hindi sinasadya. Kapag naman napapatingin ako sa kanya eh nakatingin siya sa akin at tumatagal. Bakit kaya? Hindi naman ako nage-expect na crush niya ako. Pero kung ganon man eh sana may sign na crush niya nga ako. Halimbawa, may itatanong siya sa akin or babatiin kaso nga lang eh magagawa ba naman niya iyon? Nakalaro ko na naman siya sa playstation, nakatabi at nakausap kaya siguro hindi na siya mahihiya pwera

jamming.

Price Tag - Acoustic Cover Evan and I have been jamming even before. But this is the first to be publicized. No shame now, minsan lang eh! Hahaha! Happy singing along! :)

TUKAY.

Image
Ako si Tukay. Kung hindi Reena, Buninay o Ninay ang tawag sa’kin, Tukay ang isa ko pang palayaw. Mangilan-ngilan lang ang tumatawag sa’kin ng ganyan, at lahat ay mga maedad na lalaki, mga kumpare ng daddy ko. TUKAY. Ba’t nga ba Tukay? Eh kasi daw anak ni Tukoy, palayaw ng daddy ko, si Benedicto Carandang. Benedicto to Toxie to Tukoy. Pati palayaw nag-e-evolve! :D Anyway, napaka-obvious na naman siguro kung bat ako tinawag na Tukay. Bukod sa siya ang tatay ko, siya din ang daw ang kamukha ko, complexion pa lang, katalo na! Kung mapapagkumpara ang features ng mukha namin, masasabi mo talagang “No doubt! Anak nga siya ni Toxie!” Kapag nga nasa isang lugar ako, bigla-bigla na lang may tititig sa aking ale o mama na hindi ko naman kakilala, sabay magtatanong, “Anak ka ga ni Tukoy?” Nung una, opo lang ang isinasagot ko, tanda ng paggalang. Pero ngayong malaki na’ko, opo pa rin naman pero sa loob-loob ko, gusto kong sabihing, “Obvious po ba?” :)) Ilan lang ang nare-recall kong memories namin