naghihintay.
Maaga akong nagising kaninang umaga. Very unusual yun para sa'kin lalo pa't weekend naman at walang pasok, to think na pagod pa ako kahapon at nung sinundang araw dahil sa outing at prusisyon. Sobra ata ang kaantukan ko kagabi kaya't hindi ko na siya nai-message. Pero pagkagising ko naman, nakita kong may message siya para sa'kin tapos naalala ko pang wala nga pala siyang pasok kagabi kaya tiyak nasa bahay siya ng mga oras na yun. Nireply ko siya, at ang unang message ko na yun sa kanya ay 18 hours ago pa (ayon sa FB). Makalipas ang isang oras pagkapadala ko nun, nagmessage ulet ako, baka sakaling sasagot na, pero wala pa rin. Oh, well, baka puyat kasi nga walang pasok, naadik na naman siguro magsurf, PSP o movie marathon.
Dumaan ang maghapon ko sa harap netong laptop. Nariyang nakapagpost ako ng blog tungkol sa outing namin nung Maundy Thursday. Nakapagbasa ng blog posts ng iba. Nakapagupload ng pictures (2 albums pa nga eh). Nakapag-edit ng layout netong blogpage ko. Magtweet maghapon. Sumagot sa chat ng 3 lalaking hindi ko naman alam kung pano ko naging friends sa Facebook, na wala namang alam gawin kundi mambola at manghingi ng number (ampagsakukulet!). At maligo kasabay ni Nene.
Makalipas ang sampung oras na iyon, wala pa rin siyang sagot. Inip na ba'ko? Hindi pa masyado. Aliw naman ako sa mga pinaggagawa ko eh. Kaya nagmessage ulet ako sa kanya. Kako'y napahaba ata ang tulog nya ah (kung sinasambit ko ang mga sinulat ko dun, may malambing na tono yun!)
Dalawang oras pa ang lumipas pero wala pa rin siyang sagot. Medyo halatang naiinip na'ko sa message ko. Eh kasi namimiss ko na siya eh. Idagdag mo pa ang pag-aalala, baka may nangyayari na pala sa kanya at yun din yung usual time na nagkakausap kami sa pangkaraniwang araw.
Halos isang oras pa ulet ang lumipas, wala pa ring sagot. Nakailang messages na ba ako? Hindi ko na binibilang, kasi alam ko namang pang-lima na eto. (hehe!) Lalo pa'kong nag-alala, nainip at halos mawalan na ng pag-asang makakausap ko siya kahit ngayong gabi lang kasi tina-try ko siyang tawagan pero di naman siya sumasagot. Sa loob-loob ko, napatanong ako kung galit ba siya? tampo? sura? wapakels? Hay, nasobrahan ata ako sa kape ngayong maghapon. Kaya hayae na, naisip kong bukas naman paggising ko eh tiyak na may reply na siya. Yung tweet ko na dumidiretso sa Facebook, halatang inip na din ako. Naisipan kong matulog na kahit di pa'ko inaantok kasi gusto kong magising nang maaga bukas, kasi sa pagkakatanda ko, naka-schedule ang pagsSkype namin eh (at sana ay matuloy pa rin). Buti na lang at nakipagcommentan pa sa'kin etong college friend ko kaya di pa 'ko natulog agad.
At ang gigintuing notification ay kumislap na nga. May (1) sa Messages. Ayun na, alam na. At tama ang hinala ko. Ang pinakahihintay ko pala ay maghapon atang buog sa pagtulog, kagigising lang daw nya eh. Kamustahan, kamustahan. At napawi na ang lungkot ko :)
Habang sinusulat ko etong huling parte ng article ko, 46 minutes na ang nakalipas nang magsend ang huli kong reply sa kanya. Naghihintay na ulet ako, maliligo muna daw siya at kakain.
Ayan, kakareply lang nya. Tapos na ata. Lalabas muna daw siya at magwwithdraw. Hay, hintay pa rin pala ako. Sige lang, hangga't my connection, maghihintay lang ako. Kung wala man, may FB zero naman. :)
O, pano ba yan? Mahaba-habang gabi eto.
gudnayt, ebriwan. tulog kayo ng mahimbing. ako naman eh magnanamnam ;)
Comments
Post a Comment